'Zombies', umatake sa Mactan Cebu International Airport

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 02:32 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nilusob ng mga "zombie" ang Mactan Cebu International Airport.

Sa Halloween gimmick ng pamunuan ng MCIA, kumpleto sa costume at make-up ang mahigit sa 20 zombie na nag-ikot sa airport. Napasigaw ang ilang pasahero at mga empleyado ng paliparan sa ginawang pag-atake ng mga zombie.

May iba naman na game na mga magpakuha ng litrato kasama ang mga zombie.

Matapos takutin ang mga pasahero, bumawi naman ang mga zombie na sumayaw sa international arrival area. DZMM, Headline Pilipinas, 1 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.