Mga guro 'naging multo' sa isang paaralan sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 10:05 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isa pang horror house ang dinarayo naman sa Baguio City. Halaw sa mga iba't-ibang kilalang characters sa horror movies ang mga nananakot sa loob nito.

Umaalingawngaw ang sigawan sa isang paaralan sa Baguio City.

Sa P25 na bayad sa isang ticket, makikita sa loob ang kilalang multo na si "Valak" mula sa pelikulang "The Conjuring 2", nakakatakot na clown mula sa pelikulang "It", at mga karakter na hango sa isang sikat na series na “Walking Dead.”

Ang mga nagsipagganap na multo ang mga mismong guro ng paaralan.

Mapupunta sa faculty club ng paaralan at gagamitin sa mga seminar ng mga guro ang nalikom na pond. – Umagang kay Ganday, 1 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.