Lalaki patay, misis sugatan sa pamamaril sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2016 09:41 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang jeepney dispatcher habang sugatan ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Parañaque City, Sabado ng gabi. 

Sakay ng motorsiklo ang mga bumaril kila Michael at Annabelle Aguila sa East Service Road, Bicutan Interchange, ayon kay Senior Police Officer 2 Christopher Vilangel.

Dead-on-the-spot ang 42-anyos na si Michael habang nagpapagaling na sa ospital ang kanyang misis na nagtamo ng tama ng bala sa balikat.

Labindalawang basyo ng bala ang narekober sa crime scene. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.

DZMM TeleRadyo, 30 Oktubre 2016