Pabahay, titulo ng lupa, ilan sa mga hamon sa pagbangon ng Marawi

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 11:37 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tutok na ang lahat sa rehabilitasyon ng Marawi ngayong tapos na ang bakbakan. Ilan sa malalaking usapin ngayon ay kung paano muling itatayo ang mga bahay na winasak ng bakbakan at kung sapat ba ang mga pabahay na pansamantalang tutuluyan ng mga residente.

Isyu rin ang pag-aari sa mga lupa sa Marawi. Military reservation kasi ang malaking bahagi ng Marawi. Ang iba naman, saklaw ng "ancestral domain". Marami rin sa mga "bakwit" ay walang titulo ng lupa. Natuklasan ding may isang loteng inaari ng 10 tao. Nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Martes, 24 Oktubre 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.