7 tindahan nasunog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 07:42 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Natupok ang 7 tindahan sa Signal Village, Taguig Martes. 

Hininalang nagsimula ang insidente sa kuwartong nirerentahan ng isang lalaking nagkukumpuni ng cellphone sa kanto ng Rodriguez at Luzon streets. 

"Narinig ko lang po na may pumutok [sa kuwarto] tapos may pumasok na sa amin plastic yung amoy po. Kaya paglabas ko, may sunog na po pala doon," kwento ng residenteng si Jessica Octa. 
 
Umabot ng ika-2 alarma ang sunog bago ito maapula makalipas ang 1 oras. 

Kabilang sa mga nasunog ang isang grocery store at ilang tindahan ng karne. 
 
Ibinahagi ni Norie Raga, may-ari ng meat shop, na nasunog ang kanyang 3 bagong biling freezer at mga electric na timbangan. Hindi aniya alam ang gagawin lalo na at magpa-Pasko. 

Tantya ng Bureau of Fire Protection, nasa P100,000 ang halaga ng nasirang ari-arian sa insidente. Posible anilang problema sa kuryente ang dahilan ng sunog. 

Umagang Kay Ganda, 24 Oktubre 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.