2 tulak ng droga, arestado

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 09:53 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Arestado ang 2 hinihinalang miyembro ng grupo ng mga tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Monumento, Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Eufemio Odac Jr, 22-anyos at Alex Ogena, 28-anyos.

Ayon kay Marvin Mendoza, hepe ng PDEA Region 4-A, nakipagkita ang isang poseur buyer kina Odac at Ogena sa isang bus terminal upang bumili ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500,000. 

Sinubukan pang tumakas ni Odac ngunit naaresto rin sa tulong ng mga traffic enforcer. 

Ayon kay Mendoza, una nang nahuli ang mga kasamahan nina Odac at Ogena sa Calabarzon. 

Ang dalawang suspek umano ang siyang mga pinanggagalingan ng ilegal na droga sa kanilang lugar. Umagang kay Ganda, 24 October 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.