Pagbangon ng Marawi, sinisimulan na

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2017 03:26 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isang araw matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City sa terorista, nadagdagan pa ang bilang ng mga teroristang napatay ng militar. 

Sinisimulan na rin ang unti-unting pagbangon ng lunsod mula sa halos limang buwang bakbakan. 

Ikinakasa na rin ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang para sa pagbabalik ng mga residente sa mga controlled area. Mula Marawi City, i-Bandila mo, Raphael Bosano. - Bandila, Miyerkoles, 18 Oktubre, 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.