Magpipinsan, pinagnakawan ng kinupkop sa bahay

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 10:08 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Natangayan ng mahigit sa P100,000 halaga ng mga gamit ang magpipinsan sa Malibay, Pasay City ng taong mismong kakilala pa nila.

Ayon sa mga biktima, kasamahan nila sa bahay ang suspek na nakilalang si Mateo Onofre Azamar, alyas Dawn.

Karamihan sa mga nanakaw na gamit ay pagmamay-ari ng isang domestic worker na kauuwi lamang ng Pilipinas mula Kuwait.

Natangay ni Azamar ang laptop, tablet, relo, shades, mga pabango at mamahaling bag.

Nakita pa sa CCTV ng barangay ang suspek na pumasok sa bahay at lumabas bitbit na ang isang mamahaling bag. - Umagang kay Ganda, 6 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.