Mga pag-ulan magpapatuloy dahil sa LPA

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 08:21 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Makakaranas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa isang low pressure area sa hilaga ng Palawan, inanunsyo Martes ng state weather bureau PAGASA. 

Huling namataan ang sama ng panahon 115 kilometro hilaga ng Coron, Palawan at inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility, ayon kay PAGASA meteorologist Samuel Duran. 

Gayunman, patuloy na magdadala ang LPA ng mahina hanggang katamtaman at kung minsa'y malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon , Bicol, Western Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao Region. 

Makakaranas naman ng manaka-nakang pag-ulan ang nalalabing bahagi ng bansa, ani Duran. 

Bisitahin ang ABS-CBN Weather Center para sa iba pang ulat-panahon. 
 
DZMM, 26 Setyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.