'Pagbibitiw ni Gascon sa CHR kapalit ng budget, hindi katanggap-tanggap'

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 01:18 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Atty. Tony La Viña, hindi katanggap-tanggap ang kondisyon na magbitiw si Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon kapalit ng pagbabalik ng orihinal na budget ng ahensiya.

"Hindi acceptable 'yan kasi ang ibig sabihin dyan magkakaroon ka ng isang CHR na hindi independent. Kung mayroon siyang ginawa na labag sa batas, dapat file-an siya ng charges," ani La Viña, dating dean ng Ateneo School of Government. - Bandila sa DZMM, Huwebes, 14 Setyembre, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.