Magkapatid na bata, patay sa sunog

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 10:03 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dalawang bata ang namatay sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Asturias, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Marilyn Faith Palicte, 5-taong gulang at ang 2-taong gulang na kapatid na si Mark France.

Ayon sa mga pulis, nasa trabaho umano ang magulang ng mga bata kaya ini-lock nila ang bahay.

Sabi naman sa mga bumbero na hindi nila mapuntahan ang bahay dahil nasa tuktok umano ito ng bundok.

Sa imbestigasyon, pinaglaruan daw ng mga bata ang lighter na pinagmulan ng sunog. – Umagang kay Ganda, 15 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.