Bagong modus: Mobile drug den, nabuking

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 09:25 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nabisto ng mga pulis ang umano'y bagong modus operandi ng mga tulak at gumagamit ng droga sa Iloilo.

Ayon sa Philippine National Police, gumagamit na ang mga kawatan ng isang van na animo'y mobile drug den.

Pakay lang sana sa ikinasang buy-bust operation si Hamlin Querubin.

Pero inaresto rin ang 11 kasama nito matapos maaktuhang gumagamit ng droga sa sasakyan.

Ayon pa sa PNP, nagbabago ang modus operandi ng mga tulak dahil sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa droga. – Umagang kay Ganda, 15 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.