Sangkaterbang basura, bumara sa pumping stations kaya baha hindi agad humupa

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 01:46 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Napatunayan mismo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim na pumalya ang pumping operations nila dahil sa basura. Imbes kasi na tubig lang ang masipsip, sandamakmak na basura ang nahigop at bumara sa drainage. Kinailangan tuloy itigil ang operasyon ng pumping stations kaysa tuluyang bumigay ang mga pump. Nagpa-Patrol, Doris Bigornia. TV Patrol, Miyerkoles, 13 Setyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.