PANOORIN: Rumaragasang baha sa isang barangay sa Taytay, Rizal

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 04:42 PM | Updated as of Sep 12 2017 05:00 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ni Bayan Patroller Toffee Venancio ang rumaragasang baha sa kanilang barangay sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Venancio, nagsimulang bumaha nang umapaw ang bahagi ng Taytay river na malapit sa B. Pagasa Street sa Barangay Sta. Ana.

Kuha ang video pasado alas-3 ng hapon nitong Martes, Setyembre 12.

Hanggang binti na ang tubig na rumagasa sa kalsada at pumasok na rin sa ilang bahay. 

Hindi na rin daw madaanan ng mga sasakyan ang lugar dahil sa baha.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.