Suspek sa panloloob sa isang apartment, nakunan ng CCTV

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 07:47 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakunan ng CCTV ang suspek na nanloob sa isang apartment unit sa Jaro, Iloilo.

Sa video, makikita ang isang lalaki na naglalakad papasok ng apartment.

Maya-maya lang, kita na ang lalaki na may dalang laptop.

Kinumpirma naman ng mga nakatira sa bahay na natangayan nga sila ng laptop at wallet. Sira na rin ang mosquito screen at tanggal ang mga jalousie sa bintana ng bahay.

Di malinaw ang kuha sa mukha ng kawatan pero makikita na tila may peklat siya sa kamay.

– Umagang kay Ganda, 8 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.