Tulong pinansiyal, apela para sa mga biktima ng pananaksak

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 09:23 AM | Updated as of Aug 31 2017 12:12 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tulong pinansiyal ang apela ng ilan sa mga kaanak ng mga namatay sa pananaksak sa isang condominium sa Pasay City.

Magdamag nagbantay sa kanyang burol sa Rizal Funeral Homes ang mga kamag-anak ng 12-anyos na si Daisy Castillo, isa sa mga 5 napatay ng nag amok sa isang condominium sa Pasay.

Siyam na saksak sa katawan ang inabot ni Daisy matapos makasalubong ang suspek na si Alberto Garan.

Galing sa practice sa sayaw si Daisy dahil ngayong araw ay may nakatakda siyang performance sa school. 

Matindi ang pagluluksa ng kanyang ina na nandito rin ngayon sa burol. Humihingi siya ng tulong pinansyal para sa pagpapalibing kay Daisy.

Samantala nakatakda na rin iburol sa tabi ng kuwarto kung saan nakaburol si Daisy ang isa pang biktima na si Ligaya Dimapilis.

Nasa morgue pa naman ang mga labi ng suspek at kanyang nobya na si Emelyn Sagun.

Posibleng dito rin iburol ang dalawa pero depende pa rin yan sa mga magiging desisyon ng kanilang pamilya. Sa ngayon wala pa ang mga kamag-anak nilang dalawa at wala pa rin umanong umaasikaso sa kanilang mga labi sa morgue.

Samantala, sa St. Peter naman nakaburol ang isa pang biktima na si Leticia Ecsiagan at sa Arlington Quezon City naman nakaburol ang dating editor ng Manila Standard at media affairs head ng SSS na si Joel Palacios. - Umagang kay Ganda, 31 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.