Rambol sa pagitan ng 2 grupo, nakunan ng video

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 10:18 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sapul sa video ang nangyaring rambol sa pagitan ng dalawang grupo ng mga lalaki sa Zamboanga City.

Sa video, makikitang nagsusuntukan at nagbabatuhan ang mga lalaki at sa gitna nila nakahandusay at wala nang malay ang isa pang lalaki.

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang mga pulis na nagpaputok ng warning shot kaya nagpulasan ang dalawang grupo.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng patrolya nang mangyari ang insidente.

Hirap umano silang pumasok kaya kinailangan nilang mag-warning shot para lang matulungan ang lalaking nakahandusay sa gitna ng kalsada na nakilalang si Mark Joseph Banay, na agad namang isinugod sa ospital.

Iniimbestigahan na ang dalawang grupo na napag-alamang miyembro ng fraternity. – Umagang kay Ganda, 31 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.