Mistaken identity: Bangkay ng inakalang nawawalang anak, ipinalibing

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 09:29 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ipinalibing ng isang babae ang lalaking inakala niyang kanyang bunsong anak sa Matnog, Sorsogon.

Kuwento ni Fe Glipo, umalis ang kanyang anak na si Benny para magtabaho sa Bacon District. Pero makalipas ang ilang araw, nalaman niyang hindi pala ito nakarating sa trabaho.

Hinanap niya ito hanggang sa nakita ang bangkay ng isang lalaki sa punerarya.

Inakala niyang ito ang kanyang anak kaya’t ipinalibing ang bangkay. Bumuhos rin ang pakikiramay maging sa social media account ni Benny.

Ito ang dahilan kung bakit umuwi si Benny na napag-alamang sa Maynila dumiretso para mag-trabaho.

Laking tuwa naman ng kanyang ina matapos silang magkita.

Noong una'y inakala nila na nagmumulto lang ang anak, pero masaya sila na buhay ang pala anak.

Palaisipan naman kung sino ang ipinalibing ng kanyang ina. Umagang kay Ganda, 29 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.