Huli ka! Pagtapon ng basura ng janitor sa ilog Pasig

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2017 10:12 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng video ng isang Bayan Patroller ang pagtatapon ng basura sa ilog Pasig ng janitor ng isang state university sa Maynila.

Sa cellphone video ni Bayan Patroller Dan Nicolas, makikitang itinapon ng isang janitor ng Polytechnic University of the Philippines ang malaking bag ng basura sa ilog.

Halos linggu-linggo raw itong nakikita ng Bayan Patroller kaya naisip niyang mag-report sa Bayan Mo, Ipatrol Mo (BMPM).

Ayon sa PUP, kinausap na nila ang janitorial agency ng unibersidad.

Sinibak na rin nila ang janitor at sisiguraduhin na susunod sa sanitation rules ng unibersidad ang agency na may hawak sa janitor. Umagang kay Ganda, 24 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.