Pagbabahay-bahay ng pulis para sa drug test ng mga residente, ipinatigil

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2017 01:55 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ipinahinto muna ng National Capital Region Police Office ang pagkatok ng Quezon City Police Department sa mga bahay sa Payatas para magsagawa ng drug test sa mga residente. Nag-set-up na lang ang pulisya ng help desk para sa mga gustong magpa-drug test. Umalma kasi ang Commission on Human rights dahil maaaring may paglabag umano sa karapatang pantao ang pagbabahay-bahay ng mga pulis para sa drug test. Nagpa-Patrol, Kevin Manalo. TV Patrol, Miyerkoles, 23 Agosto 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.