Paaralan sa Naga, naipagawa sa tulong ng mga ama

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 11:19 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa kabila ng patong-patong na problemang kinakaharap ng mga guro at mag-aaral ng Morada-Ramos Elementary School, hindi natitinag ang kagustuhan nilang makatapos ng pag-aaral. Bilang pag-agapay sa kanila, pinalitan ang mga sirang bubong, tumutulong kisame at pinto ng paaralan sa tulong ng mga ama ng mga mag-aaral. Nakatanggap din ng bags na may lamang school supplies ang bawat estudyante.

Binigyan din ng 160 recycled plastic arm chairs, grocery package at solar lamps ang bawat pamilya ng mga mag-aaral.

Samantala, may isinagawa ring medical missions, job fair, at iba pa bilang handog sa mga taga-Naga City. Nagpa-Patrol, Noli de Castro. TV Patrol, Miyerkoles, 23 Agosto 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.