3 nawalan ng cellphone sa concert ni Ariana Grande

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 09:02 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tatlo katao ang nawalan ng cellphone sa concert ni pop star Ariana Grande sa Pasay City.

Bagaman walang naitalang untoward incidents, kinumpirma ni Southern Police District Director Tomas Apolinario Jr., na may tatlong kataong nawalan ng cellphone sa concert ng international singer na ginanap sa MOA Arena kagabi.

Ayon kay Apolinario, wala naman silang ulat ng pagnanakaw na natanggap kaya’t umaasa silang maitu-turnover na sa lost and found section ng pamunuan ng MOA at maibabalik na sa mga indibidwal ang kani-kanilang cellphones

Maituturing na generally peaceful naman ang concert kung saan hindi bababa sa 300 pulis ang ipinakalat ng SPD upang bantayan ang nasa 12,000 kataong nanood ng concert

Giit ni Apolinario, wala silang natanggap na banta sa seguridad bagaman mas pinaigting ang kanilang paghahanda para sa naturang concert dahil sa insidente ng pagsabog sa Manchester concert ng sikat na singer noong Mayo na ikinasawi ng 19 na katao. – Umagang kay Ganda, 22 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.