DOTr : LRT-1 may problema na sa spare parts

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2016 03:06 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inamin ng Department of Transportation (DOTr) Huwebes na may problema na sa spare parts ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kaya nagkakaaberya na ito sa operasyon.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni DOTr Undersecretary Noel Eli Kintanar na nagsusumikap ang ahensya na makabili ng spare parts mula sa ibang bansa upang maibsan ang problema sa LRT-1.

Katunayan, may naumpisahan na anyang procurement ng spare parts at minamadali na nila ito.

Humingi naman ng pasensya ang opisyal sa mga pasaherong naabala nang limitahan ang biyehe ng LRT-1 nitong Miyerkules dahil sa aberya sa power catenary o pinagkukuhanan ng kuryente.

DZMM TeleRadyo, 18 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.