WALK of SHAME: Umano’y mag-asawang scammer, ipinarada sa Tanauan

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 10:05 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ipinarada ang mag-asawang sinasabing nanloko umano sa mga nag-invest sa kanila.

Bago gawin ang tinaguriang 'Walk of Shame' ay nagharap muna ang mga umano'y biktima ng scam at ang mag-asawang inirereklamo sa tanggapan ni Tanauan Mayor Antonio Halili.

Ayon sa mga nagrereklamo, milyun-milyon umano ang natangay sa kanila ni alyas 'Gigi' nang mag invest sila sa overrun clothing business nito.

Pero giit ni Gigi, biktima rin siya ng isa niyang buyer.

Dahil nauwi sa tensyon ang usapan at itinanggi ng mag-asawa ang alegasyon, nagdesisyon si Mayor Halili na iparada sa bayan ang mag-asawa para wala na umanong maloko ang mga ito.
    
Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights Region 4 sa ginawang pag-parada sa mag-asawa.

Umagang kay Ganda, 11 August 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.