Suspek sa panghoholdap at pagkarnap ng taxi, arestado

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2017 09:36 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang lolong taxi driver matapos holdapin at tangayin ng suspek ang kanyang taxi sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa biktimang si Simeon Miranda, muntik din umano siyang sagasaan ng suspek.

Nakilala ng biktima ang suspek sa rogues' gallery kaya naaresto si Michael Quebral. Nabawi rin ang taxi.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na sangkot din ang suspek sa panghoholdap sa 3 convenience store sa Sauyo Road, Congressional Avenue, at South Triangle.

Dagdag ng pulisya, suspek din si Quebral sa panghoholdap sa isang hotel sa Quirino Highway kung saan sapul din sa CCTV ang panunutok niya ng baril sa kahera.

Umagang kay Ganda, 10 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.