Mga hangar, itinayo ng China sa South China Sea

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2016 11:24 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Lumabas sa pinakahuling mga satellite image mula sa South China Sea na nakukumpleto na ng Tsina ang mga hangar na paradahan ng mga fighter jet at malalaking eroplano sa tatlong malaking isla doon. Ayon sa National Defense College of the Philippines, senyales ito na kailangan pa ring palakasin ng Pilipinas ang militar nito. Nagpa-Patrol, Chiara Zambrano. TV Patrol, Miyerkules, Agosto 10, 2016