Free tuition, hindi 'forever' sa mga forever sa kolehiyo

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 12:59 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagprotesta ang ilang militanteng estudyante kaugnay ng free college education program ng gobyerno. Anila, hindi kasi nito sakop ang lahat ng mga estudyante. Pero giit ng Commission on Higher Education, may scholarships para sa ibang estudyante. Tiniyak din ng CHED na may pagkukunan ng pondo para sa taong ito na tinatayang hindi sosobra sa P16.8 bilyon. Samantala, sinabi naman ng isang senador na walang 'forever' ang free tuition para sa mga 'forever' din kung kumuha ng kurso sa kolehiyo. Nagpa-Patrol, Adrian Ayalin. TV Patrol, Martes, 8 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.