Customs director na ikinonekta sa 'tara', nagbitiw

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 01:09 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagbitiw na sa puwesto si Customs Imports and Assessment Service Director Milo Maestrecampo matapos siyang idawit sa mga tumatanggap umano ng tara o suhol para sa mga kargamentong dumadaan sa Customs. Sinabi ni Maestrecampo sa kaniyang resignation letter na bababa siya sa tungkulin para sa 'delicadeza' at para pangalagaan ang kaniyang integridad. Nagpa-Patrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Martes, 8 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.