Alvarez: CHR, dapat zero budget

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 02:51 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagisa sa budget hearing sa Kamara kanina si Commission on Human Rights chair Chito Gascon dahil nagagamit umano ang tanggapan sa pulitika. Ayon sa ilang mambabatas, binabatikos lang ng CHR ang kasalukuyang administrasyon at tahimik ito sa mga isyu na may kinalaman sa Aquino administration. Malaki na ang natapyas sa panukalang budget ng komisyon para sa susunod na taon, pero kung si House Speaker Pantaleon Alvarez daw ang masusunod, zero na ang budget ng CHR. I-Bandila mo, Mike Navallo. Bandila, Agosto 7, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.