Ilang estudyante sa Antipolo, nagtitiis sa sirang classrooms

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2017 12:42 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagtitiis ang mga estudyante ng Sumilang Elementary School sa Antipolo City sa mga sirang classrooms nila. Lalo pang nagiging mahirap ang sitwasyon nila sa pagpasok sa paaralan sa tuwing umuulan nang malakas. Makatutulong sana sa mga estudyante kung makalilipat na sila sa bagong paaralang ipinatatayo ng Department of Public Works and Highways. Iyon nga lang, makalipas ang mahigit isang taon, hindi pa rin natatapos ang gusali. Nagpa-Patrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Martes, Agosto 1, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.