Sapul sa dashcam: Salpukan ng van, motorsiklo sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2017 10:39 AM | Updated as of Jul 31 2017 11:16 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakunan ng dashcam ng isang motorista ang salpukan ng isang van at motorsiklo sa Iligan City.

Lumabas sa imbestigasyon na papuntang Barangay Tipanoy sa Iligan City ang motorcycle rider nang maaksidente.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang motorcycle rider at natanggal ang suot niyang helmet.

Ayon pa sa traffic police, parehong hindi sumunod sa traffic sign ang mga motorista.

Nabali ang buto sa binti ng motoristang si Rey Lauderes na agad nadala sa ospital.

Nangako naman ang driver ng van na si Salic Paramata na sasagutin ang 60-porsyento ng magagastos sa ospital ni Lauderes.

Gayumpaman, hindi umano ito sapat ayon sa pamilya ng biktima lalo't pansamantalang mahihinto sa pamamasada ng habal-habal ang biktima.

Problemado rin sila sa ipambibili sa gamot ng biktima.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, July 31, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.