Duterte: Nakatutok ang missiles ng Tsina sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 05:45 PM | Updated as of Jul 25 2017 10:14 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi niya tinalikuran ang pag-angkin sa West Philippine Sea na inaangkin din ng Tsina. Pero hindi umano siya handa sa posibilidad ng giyera, lalo't may missiles na ang Tsina na nakatutok sa direksiyon ng Pilipinas. 

Aniya, habang kaharap niya si Chinese President Xi Jinping at iba pang opisyal ng Tsina, nanindigan siya para sa teritoryo ng Pilipinas.

"We are the owners of South China [Sea], I will dig my oil there, whether you want it or not, wala na 'yong padaloy-daloy na award, gano'n, sabi ko, that's ours, I will rig, put a rig there to struck oil," ani Duterte sa press conference matapos ang kaniyang ikalawang State of the Nation Address nitong Lunes, Hulyo 24.

Pero mistulang nagbabala umano ng giyera ang Tsina kung ipipilit ang pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

"Si Xin Jinping, naggano'n, tapos in the end, sabi ko 'it will be war'. The long and short of what he was then saying was pina-parlay niya 'yong words, he ended with saying na giyera ito."

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya makikipagsagupa sa Tsina, lalo pa at may nakatutok na umanong missiles ang Tsina sa Pilipinas.

"We are not, I'm not prepared to go to war. I have to be frank, the truth is I will not... They have the state-of-the-art [weapons] and everything, and they have the missiles, now, nakatutok na sa atin. It will reach Metro Manila in seven minutes."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.