Tulay na matagal na kinubkob ng Maute, nabawi na ng militar

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2017 07:13 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kinumpirma ng militar na tuluyan na nilang nabawi ang Mapandi bridge. 

Maraming buhay ang nabuwis para lang mabawi ang tulay na matagal na kinubkob ng mga terorista.

"This was the foremost stronghold of the enemy and now forces have taken that location. We have established our defensive positions in order to facilitate the maneuvers of our troops," ani Lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi.

Noong nakaraang linggo, binalikan ng news team ang tulay na matagal pinagkutaan ng Maute. 

Kuwento ng mga sundalo, delikado ang pagtawid sa tulay dahil may mga nakaabang na sniper ang mga terorista.

Pagdating sa gitna ng tulay, natanaw mula sa maliliit na bintana ng sinasakyang tangke ang bahagi ng war zone.

Ibang-iba na ang hitsura ng Mapandi matapos ang mahigit isang buwang bakbakan. Wasak na ang mga gusali at iba pang ari-arian.

Ilang saglit lang ang itinagal sa tulay ng news team dahil inaasinta na ng mga kalaban ang sinasakyang tangke ng grupo.

Ayon sa militar, mahigit 100 na ang nalagas mula sa kanilang hanay dahil sa bakbakan. Mahigit 900 iba pa ang sugatan. 

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.