'Safe zones' sa Marawi, inaabot ng ligaw na bala

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 10:14 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inaabot pa rin ng mga ligaw na bala maging ang mga itinuturing na 'safe zone' sa Marawi. 

Nitong Miyerkoles, Hulyo 19, nayanig ang kapitolyo ng Lanao del Sur nang biglang tumama ang isang ligaw na bala sa sasakyan at tumagos sa mga bintana sa harap. 

Noong isang araw naman, muntik nang matamaan ng ligaw na bala ang documentary team ng ABS-CBN habang kinakapanayam si Marawi Mayor Majul Usman Gandamra sa loob ng city hall.

Ayon sa militar, inaasahan na nila ang pagdami ng insidente ng ligaw na bala dahil naiipit na ang Maute sa gitna ng Marawi. 

Tinatayang nakakalat pa rin sa apat na barangay sa sentro ng lungsod ang mga terorista pero ayon sa militar, lumiiliit na ang ginagalawan ng kanilang mga kalaban. 

Nabawi na rin ng mga tropa ng gobyerno ang dalawang ospital sa Marawi na ginawang kuta ng mga teroristang Maute.

Hanggang ngayon, hindi pa rin pinapayagan ang mga sibilyan sa mga itinuturing na 'war zone' sa lungsod dahil sa patuloy na bakbakan.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.