Tingnan: Antique, 9 taon matapos ang bagyong 'Frank'

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 01:00 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inanod ang maraming tahanan sa Barangay Durog, San Jose de Buenavista, Antique sa kasagsagan ng bagyong 'Frank' noong 2008. Ilang linggo ring nalubog sa baha ang probinsya. Ngayong Hulyo naman ang National Disaster Resilience Month, ang panahon ng pagbisita ng mga bagyo at iba't-ibang kalamidad sa bansa. Kaugnay nito, dumayo ang TV Patrol sa Antique para tulungan sila sa paghahanda sa mga kalamidad. Bitbit din ng programa ang iba pang tulong bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng ika-30 anibersyaryo ng TV Patrol. Nagpa-Patrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Martes, 18 Hulyo 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.