Kuryente at tubig, kalbaryo pa rin ng Yolanda survivors

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 10:29 AM | Updated as of Jul 17 2017 10:33 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Problema pa rin ang supply ng kuryente at tubig sa resettlement areas ng mga residente ng Tacloban, Leyte na nakaligtas sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong 2013. 

Ibinahagi Lunes ni Arthur Golong, presidente ng Community of Yolanda Survivors and Partners (CYSP) - Tacloban chapter, na 20 porsiyento pa lamang ang mayroong kuryente sa housing project ng pamahalaan. 

Wala pa rin aniyang tubig ang mga kabahayan hanggang sa kasalukuyan. 
 
Dagdag ni Golong, bagamat nangako na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Tacloban na aayusin ang problema nila sa kuryente, hindi pa rin nila ito nararamdaman. 
 
"Sa totoo lang, iyung sinabi nang nagpunta dito si Pangulong Duterte sa Tacloban, na aayusin lahat ng resettlement sites pagdating sa tubig at electricity, may mga nabanggit pa nga po siya na ipamimigay sa mga tao na talagang agarang ipamimigay -- pero hanggang ngayon po, hindi pa po namin ramdam iyun," ani Golong sa panayam ng DZMM. 

Mahigit 7,000 ang nasawi nang bayuhin ni Yolanda ang Visayas, apat na taon na ang nakaraan. 

DZMM TeleRadyo, 16 Hulyo 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.