Bohol, isinailalim sa 'state of calamity'; Rotational brownout, nararanasan sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 01:15 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isinailalim na sa state of calamity ang Bohol matapos maapektuhan ng lindol noong nakaraang linggo.

Inaprubahan ng Bohol Provincial Board ang mass motion para magdeklara ng state of calamity.

Ayon sa mosyon, apektado na ang ekonomiya ng probinsiya dahil hindi pa naibabalik ang kuryente matapos ang isang linggo

Hindi pa rin naaayos maging ang suplay ng tubig at linya ng komunikasyon.

Sa Hulyo 19 ang target ng Energy Department na tuluyang maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na apektado ng lindol.

Kuryente sa ilang lugar sa Leyte, naibalik na; rotational brownout, nararanasan

Naibalik na naman ang kuryente nitong Huwebes, Hulyo 13, sa ilang lugar sa Leyte tulad ng Ormoc at Tacloban.

Sa kabila nito, makararanas pa rin ng rotational brownout sa mga nasabing lugar.

Paliwanag ng Leyeco II, kulang pa kasi ang natatanggap na kuryente kaya kailangan ng rotational brownout.

Kasabay ng kuryente, bumalik na rin ang suplay ng tubig sa ilang lugar.

Samantala, wala pa ring kuryente sa ilang lugar sa Samar kaya napabili na ng generator set ang ilang residente.

-- Ulat ni Melanie Bingco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.