Kaso ng batang iniwan sa sasakyan, iimbestigahan ng CHR

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 01:16 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA- Iimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang kaso ng batang tampok sa viral video na iniwan umano sa loob ng sasakyan sa labas ng isang bar sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa CHR, motu proprio o sariling pagkukusa nila ang gagawing imbestigasyon. 

Layunin aniya nilang malaman ang totoong nangyari at nais din nilang matukoy kung sino ang tunay na dapat managot sa insidente.

Naunang nag-viral ang video ng batang may edad dalawa hanggang tatlong taong gulang na umiiyak habang nasa loob ng kotse.

Paliwanag naman ng ina ng bata, kumain lamang siya sandali at hindi naglasing. "Walang magulang na gustong patayin ang anak," aniya.

Iniimbestigahan na rin ng Department of Social Welfare and Development ang insidente.

-ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.