Holdaper na nagtangka pang gahasain ang biktima, timbog

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 08:37 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Timbog ang isang lalaki na nangholdap at nagtangka pang gahasain ang kaniyang biktima sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Kuwento ng biktima, naglalakad siya pauwi mula sa trabaho ng biglang lapitan ng suspek malapit sa MRT Kamuning Station at nagdeklara ng holdup.

Binigay ng biktima ang kaniyang wallet at cellphone pero hindi pa nakuntento ang suspek.

"Dinala niya ako sa madilim, hinalikan, at hinawakan sa katawan," aniya.

Nakapiglas ang biktima at nakahingi ng tulong na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Isa ring babae ang lumantad sa mga pulis na nagsabi na niyakap at hinoldap din ng suspek.

Inamin naman ng suspek ang mga krimen. 

Depensa niya, ipambibili niya sana ng bagong sapatos kasi magtatrabaho na siya bilang guwardiya. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.