DPWH, inilatag ang plano para sa Marawi

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 01:18 AM | Updated as of Jul 11 2017 12:03 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Hindi pa man natatapos ang giyera sa Marawi, inilatag na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga plano nito para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Pangunahing plano ang pagbibigay ng maayos na matutuluyan o 'emergency shelter establishments' sa libo-libong 'bakwit'.

Isa rin sa mga uunahin ang pagtatayo ng pansamantalang government services building at lugar kung saan maaaring sumamba.

Prayoridad din ang pag-aayos ng mga kalsada, tulay, at iba pang imprastruktura.

Ipinangako ng ahensya na oras na matapos ang giyera, magiging mabilis ang pag-arangkada ng rehabilitasyon.

Umaasa ang gobyerno na kung hindi man agad matutuldukan ang sagupaan, nais nilang makapagtanim na sila ng pag-asa sa mga naapektuhan sa pamamagitan ng mabilis at pansamantalang ayuda.

--Ulat ni Miguel Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.