2 salvage victims natagpuan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2016 09:55 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dalawang lalaking umano'y biktima ng salvaging ang natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, Linggo ng madaling-araw.

Nakadikit sa mga biktima ang mga karatulang nagsasabing magnanakaw umano sila.

Nadiskubre ang unang bangkay sa EDSA, malapit sa North Avenue Station ng Metro Rail Transit (MRT).

Nakabalot ng packaging tape ang katawan ng biktimang nakasuot ng puting t-shirt at shorts.

Nasa tabi niya ang karatulang may katagang, "Huwag tularan, mandurukot ako."

Pinaniniwalaan namang namatay sa sakal ng alambre ang ikalawang biktima na natagpuan sa kanto ng EDSA at Corregidor Street, malapit sa isang shopping mall.

Kadikit ng bangkay ang karatulang nagsasabing, "Salot sa EDSA, snatcher ako." -- Ulat ni Hajji Kaamiño, DZMM