Amnesty period para sa undocumented workers sa Saudi, pinalawig pa

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2017 05:56 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Pinalawig pa ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang amnesty period nito para sa mga undocumented expatriates o mga foreigners na overstaying doon.

Ngayong araw dapat ang katapusan ng 90-day amnesty period pero in-extend pa ito hanggang Hulyo 24, 2017.

Marso 29 nang magdeklara ng amnesty ang gobyerno ng Saudi. 

Mahigit 14,000 undocumented Pinoy ang nagparehistro sa Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah, pero higit 5,000 pa lang ang nakauwi. 

Higit 2,000 naman ang naghihintay pa ng kanilang tiket hanggang ngayon.

May 6,255 pang mga undocumented Pinoy na makikinabang sa pagpapalawig na ito ng amnesty program. 

May naghihintay na parusa na multa, pagkakakulong, o pagpapa-deport sa sinumang hindi makasunod at makapagkumpleto ng mga rekisitos bago ang katapusan ng deadline. 

-- Ulat ni Charles Tabbu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.