PAGASA: Thunderstorm asahan tuwing hapon

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 01:17 PM | Updated as of Jun 28 2017 01:30 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Pinayuhan ng state weather bureau PAGASA ang publiko Miyerkoles na ugaliing magdala ng payong dahil sa malaking posibilidad ng mga pag-ulan tuwing hapon.

"Normal po iyan dahil panahon na po ng tag-ulan. In the absence of any weather disturbance, asahan po natin ang ating mga thunderstorm sa dakong hapon o gabi," ani PAGASA meteorologist Chris Perez sa panayam ng DZMM. 

Naglabas din anya ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa
Quezon City, Parañaque, San Juan, Pasay, Makati, Manila, Mandaluyong, Cavite, Batangas, alas-12 ng tanghali. 

Maaaring tumagal ang pag-ulan sa mga naturang lugar hanggang 2 oras. 

Wala namang inaasahang bagyong makakaapekto sa bansa sa susunod na 2 o 3 araw, banggit ni Perez. 

DZMM TeleRadyo, 28 Hunyo 2017 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.