SAPUL SA CCTV: Lalaki, nagnakaw ng P100,000, cellphones sa tindahan

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 10:51 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sapul sa CCTV kung paano ninakawan ng isang lalaki ang computer store sa loob ng mall sa General Santos City.

Sa video, makikita ang paglapit ng isang payat na lalaki na naka-shorts at walang t-shirt sa counter ng tindahan.

Naghalughog siya sa mga drawer hanggang sa makita niya ang vault.

Sinira ito ng suspek at sa loob lang ng 10-minuto ay nalimas ang mahigit P100,000 cash, P25,000 halaga ng cellcards at cellphones.

Agad namang kinilala ng mga pulis ang suspek na si Lang-lang Lamaram. Modus operandi umano niya ang magtago sa kisame ng mall     para hintayin itong magsara saka siya manloloob sa mga tindahan.

Napag-alamang pinasok na rin ng suspek ang parehong tindahan noong Mayo 2 kung saan mahigit P300,000 naman ang kanyang natangay. – Umagang kay Ganda, 22 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.