9 arestado dahil sa pagnanakaw ng semento

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 10:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Siyam na katao ang arestado dahil sa pagnanakaw ng semento sa San Pedro, Laguna.

Modus operandi ng grupo na magnakaw ng kilu-kilong semento sa isang delivery truck at palitan ang laman ng hinihinalang kalburo.

Nadiskubre ng mga pulis sa tagong warehouse ang gawain ng mga sindikato.

Naabutan pa ng mga pulis ang tambak ng sementong ire-repack.

Narekober sa mga suspek ang apat na cement truck na naglalaman ng mga tunay at pekeng semento.

Ayon kay Superintendent Chitadel Gaoiran, 25 porsiyento ng bawat truck ang pinapalitan ng pekeng semento.

Delikado raw ito para sa mga consumer dahil maaring hindi na purong semento ang ginagamit nila.

Itinanggi ng mga suspek na may ginagawa silang iligal pero nahaharap pa rin sila sa kasong qualified theft at nakakulong na sa San Pedro Police. – Umagang kay Ganda, 22 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.