Aabot sa 100, nabiktima ng pekeng recruiter

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 12:11 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Aabot sa 100 naghahanap ng trabaho ang nabiktima matapos gamitin ng mga kawatan ang pangalan ng isang employment agency sa Quezon City, para maningil umano ng seminar fee. Pinaghahanap na ngayon ng National Bureau of Investigation ang dalawang suspek at iba pang posibleng kasabwat, na nakunan pa ng CCTV sa mga money remittance center habang kinukubra ang pera ng mga biktima. Nagpa-Patrol, Jerome Lantin. TV Patrol, Miyerkoles, 21 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.