Security personnel sa NAIA, armado na ng matataas na kalibre ng baril

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2017 01:12 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Armado na ng matataas na kalibre ng baril ang mga security personnel sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport. Bahagi ito ng paghihigpit sa mga paliparan kasunod ng pag-atake ng nag-iisang gunman sa Resorts World Manila, at ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng Maute group sa Marawi. 

Sa kabila nito, nilinaw ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na wala silang natatanggap na banta sa paliparan. Ikinatuwa naman ng mga pasahero ang paghihigpit ng seguridad sa paliparan. Nagpa-Patrol, Bianca Dava. TV Patrol, Lunes, 19 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.