Apela ng militar: Tulong sa mga 'bakwit', idaan sa LGU

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2017 01:15 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Daan-daang sibilyan ang pinaniniwalaang naiipit pa rin sa gitna ng bakbakan, kaya patuloy pa rin ang operasyon ng militar upang masagip ang mga ito. Umapela naman ang militar sa mga nais mag-abot ng tulong na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Itinanggi naman ng militar ang kumakalat na balitang may mga miyembro ng grupong Maute na nakapuwesto na ngayon sa Iligan City para sa isang posibleng pag-atake. Nagpa-Patrol, Pia Gutierrez. TV Patrol, Biyernes, 16 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.