Klase sa 14 paaralan sa Mother Kabuntalan, suspendido dahil sa baha

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 12:22 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Suspendido pa rin ang pasok sa 14 na paaralan sa Mother Kabuntalan sa Maguindanao dahil sa baha.

Ayon sa Department of Education sa Maguindanao, magbubukas lang ang klase sakaling humupa ang baha.

Nagpapabagal sa paghupa ng baha ang water hyacinth sa ilog.

Tinatayang bibilang ng isang buwan bago matanggal ang mga water hyacinth.

Bukod dito, makapal ang silt sa ilog kaya madaling bumaha sa mabababang lugar. Umagang kay Ganda, 8 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.