Ilang tricycle, ginagamit pa rin bilang school service

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 11:19 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Mahigpit na binabantayan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsunod ng mga tricycle drivers at motorsiklong naghahatid ng mga estudyante sa mga paaralan. Pero kaliwa't kanan pa rin ang mga lumalabag sa mga regulasyon lalo na ang pagsusuot ng helmet.
 
Wala pang isang oras na nanghuhuli ng mga pasaway na motorcycle riders at tricycle drivers ang mga kinatawan ng LTO pero lampas na sa 10 ang nahuli nilang lumalabag sa mga regulasyong itinakda para sa road safety.

Marami pa rin ang sumasakay sa mga motorsiklo na walang helmet at numero unong walang suot ay ang mga angkas na estudyante.

May mga tricycle na overloaded o lampas din sa 4 na pasahero ang sakay at karamihan sa mga tricycle na ito ay mga estudyante rin ang pasahero. 

Nang kapanayamin, alam umano nila na bawal pero kaniya kaniya ang rason kung bakit sila lumalabag sa regulasyon.

Paalala naman ng LTO, mapanganib ito hindi lang sa nagmamaneho kundi pati sa pasahero kaya aaraw-arawin nila ang panghuhuli. 

Sa pagbubukas ng klase umabot sa 100 ang mga tricycle drivers at nagmomotor ang nahuli sa may bahagi ng Batasan. 

Pero ayon sa LTO, tila hindi natitinag ang mga motorista kaya't maghihigpit pa sila lalo sa pagkukumpiska ng mga lisensya ng pasaway na driver. Umagang kay Ganda, 8 June 201

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.